Work at Home na Tatay, Nagaalaga ng Anak
June 21st, 2006Nang mapanood ko ang video na ito ni J. Angelo Racoma, ako po ay naluha. Kasama ko ang aking anak mag mula ng maipanganak sa Pilipinas. Noong mga panahon na yun, alaga ko ang aking mga anak at nagpapatakbo po ako ng isang home-based business habang ang asawa ko nama’y pumapasok sa isang opisina. Magmula nang isilang hanggang 2 years old, kasama ko anak ko sa pagaaruga sa kanya.
Ngunit, hindi naging sapat ang aming kinikita, at kinailangan kong mangibangbansa para maisulong ang pamilya. Nang mapanood ko ang video na ito, ako ay nalungkot at ako’y malayo sa aking pamilya. Anak ko ngayon ay mag-a-apat na taon na sa Agosto, isang accelerated na bata sa paaralan at lahat ng kaklase nya ay limang taon gulang na. Nagkakausap lang kami sa telepono at marunong s’yang gumamit ng Yahoo Messenger at magbukas ng webcam. Namiss ko pamilya ko.
Ang video ay mapapanood din po dito: http://racoma.com.ph/archives/insider-interview-video/












June 21st, 2006 at 9:03 am
Mahirap talaga ang buhay ngayon. Malaki ang pasasalamat ko at sinwerte naman ako sa mga oportunidad sa buhay. Syempre, di ko na palalampasin pa.
October 16th, 2006 at 11:24 am
[...] J. Angelo, the blogger once featured on TV as a work-at-home Dad, used to have a government job and decided to be a full-time blogger instead. Earns probably the same if not even more and has more time with his family. I always wondered what the “J” means in J. Angelo. He just keeps it as “J” all the time. [...]
January 16th, 2007 at 12:28 am
Hi! Very nice site! Thanks you very much! TrLTivLiAr2LG