Isulong Seoph Report: Si Superman Nagalit Kay Captain Barbell
July 10th, 2006Nung muling ipinalabas ang Superman at naging patok sa takilya, naisipan nyang dumayo sa Pilipinas para makita ang kalagayan ng mga manonood at nabalitaan n’yang madami s’yang fans sa Pilipinas at para tulungan isulong ang pag kita ng pelikula n’ya, lumipad ito papuntang Pilipinas. Ako po si Seoph Martinez ay naka kuha ng scoop na s’ya ay padating. Pero para maiwasan ang stampede ng mga fans, hindi ko kinuwento ang scoop na ito. Sinabihan ko lang yung katulong namin na tsimosa at sabi ko ‘wag na ‘wag mong sasabihin kahit kanino na padating si Superman sa Pilipinas. At national secret yun. At sabi naman n’ya, hindi n’ya sasabihin kahit kanino kundi si inday sa kabilang bahay at mapagkakatiwalaan naman daw ‘yun na hindi ipagkakalat.
Ngayon, nagpunta na ako sa Centennial Airport kung saan dapat ang arrival ni Superman. Hindi ko naman alam ang flight number, pati kung anong airlines. Tapos ako’y biglang nagulat sa katabi ko, biglang sumigaw. Look up in the sky! It’s a bird? At napatingin ako sa sumigaw. Naglalakihan ang butas ng ilong na nakashades, at nakasulat sa t-shirt nya, Chito. Tapos tumingin ako sa itaas. At sabi nitong Chito… Bird nga!
Ano kaya ang flight ni Superman? Nag PAL kaya sya? Plane Always Late? Paano na Isulong Seoph report ko? Tapos, biglang nagtayuan mga tao! May tinuturo sa langit! Sabi ko, mukhang nandyan na! Pero parang ibang kulay, bago na s’ya costume ni Superman? May lumilipad na naka dilaw!? Si Captain Barbell pala! Gusto n’ya din salubungin si Superman at s’ya daw are number 1 fan ni Superman.
Nang biglang may nakipag-away kay Captain Barbell! Si Superman! Sabi ko, ayos, buhay na ang Isulong Seoph scoop report ko! Pumuwesto na ako sa harap ng camera at sinabi…”Good Morning, this is Seoph Martinez reporting live for ABS-GMA channel 69 - Isulong Seoph Reports…” tapos ifofocus pa lang ng camera sa langit ng bigla silang naglanding sa likod ko lang. At sabi ko sa sarili ko, exacto ito para sa Isulong Seoph reports. Nafocus ko ang camera agad sa dalang super hero. At sabi ni Superman… Who are you? Why are you copying me? I not kopy yu Supperman, sagot ni Captain Barbell. What? You are copying my costume! sabi ng galit na Superman. Bat I hab a is deferent costom? sagot ni Captain Barbell. But you also have a red brief like me! No I don’t, nagsagutan ang dalawa. Liar! I have X-ray vision! I can see you also have a red brief! Sabi ng galit na galit na Superman at sinakal n’ya si Captain Barbell.
Hindi na po natapos ang Isulong Seoph report at pinaalis na kami, pati press noong dumating ang NBI. Ito po ang huling nakunan namin na eksena.

*Hindi po si Seoph Martinez ang naglikha nitong drawing. Ito ay una ko pong nakita sa website ni Mike Lopez.












July 13th, 2006 at 10:55 am
Sang-ayon ako na medyo ginaya nga ang bagong istorya ng Captain Barbell kay Superman. Sa totoo lang mas nais ko yung orihinal na istorya na kung saan nagmula sa isang mahiwagang nilalang ang Barbell na nagbibigay ng lakas kay Tengteng.
Ang di ko lang talaga nagustuhan ay yung pag-iingles ni Captain Barbell, hindi naman ganoon kabobo sa pag-iingles ang mga Pinoy.
July 14th, 2006 at 1:55 pm
Hello Pinoy,
Patawa lang po ito, gaya ng ibang nakasaad dito. At alam kong hindi naman bobo si Captain Barbell. At wala din sa Limang piso si Manny Paquiao. At ang mga ibang kwento dito ay patawa lamang.
July 15th, 2006 at 2:53 am
Ang problema kasi sa mga Pilipino ngayon e wala nang maisip kundi manggaya e kaya naman nating gumawa ng mga orihinal na bagay. Sabagay, ganyan talaga ang buhay.
Kudos sayo seoph martinez. Patuloy mong isulong ang iyong mga ideya!
July 18th, 2006 at 8:20 am
hahaha! lolz! i heard that superman flew in manila in the movie, superman returns. my boyfriend retorted just as he heard it, “baka si CB lang yon napagkamalan lang!”
hahaha!
August 5th, 2006 at 11:32 am
wag mo lagay pic ko nyahaha
August 19th, 2006 at 4:39 pm
Very true…Nag-aantay ata mademanda etong writer ng Captain Barbell eh… At dapat idinagdag mo pa sa short story mo ang pagdating din ni Spiderman sa Pilipinas. Kasi ksama din ang mga piling ideya mula sa pelikula niya… Sige mag-iingat ka din…